ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO

27 Feb

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at facismo.

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang feudalismo ay mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo ay ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa.

May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan; Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan ; at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing labag sa kagandang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita.

Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo:

  1. Mga A! Ng Panahon” (1970)- ni Alejandro Q. Perez

  2. Kalikasan” (1970)- ni Aniceto Silvestre

  3. Peregrinasyon at Iba pang Tula”(1970)- ni Rio Alma

  4. Sitsit sa Kuliglig(1972)- ni Rolando S. Tinio

  5. Mga gintong Kaisipan”(1972)- ni Segundo Esguerra

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at pabalbal.

Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa Felomina, Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng lunas.

Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na tinatawag ding Pelikulang “Bomba” at mga akdang tungkol sa kahalayan .

Iba pang akda sa Panahon ng Aktibismo:

Mga tula:

  1. Mga Duguang Plakard- mahabang tulang alay sa mga demonstrador napinatay sa Mendiola  ni Rogelio Mangahas.

  2. Ang Burgis sa Kanyang Almusal- pagtuligsa sa kawalang pakialamng mga middle class sa karukhaan ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio

  3. Tata Selo- iba pa sa maikling kwento ni Romulo Sandoval

  4. Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz- ni Jose “Pete” Lacaba

  5. May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin

  6. Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario

Mga Nobela

  1. Daluyong ni Lazaro Francisco

  2. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

  3. Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat

  4. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo ReyesMga Maikling Kuwento

  5. Banyaga ni Liwayway Arceo

  6. Impeng Negro ni Rogelio Sicat

  7. Tata Selo ni Rogelio Sicat

  8. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg

  9. Servando Magdamag ni Ricky Lee

  10. Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac

About these ads

One Response to “ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO”

Trackbacks/Pingbacks

  1. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO | joecilmaetapigngan - February 27, 2013

    [...] ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO. [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: